Vehicular Accident sa Cauayan City, Isabela, Lalong Tumaas!

*Cauayan City, Isabela- *Inihayag ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer at Pinuno ng Rescue 922 Ronald Viloria na pinakamataas pa rin umano ang kasong aksidente sa mga lansangan mula sa mga naitatalang kaso dito sa Lungsod ng Cauayan.

Aniya, umaabot na sa limang daan at tatlumput tatlong kaso ng Vehicular accident ang naitala mula noong buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon at karamihan sa mga nasasangkot dito ay mga lasing na motorista.

Dagdag pa ni ginoong Viloria na karamihan din sa mga nasasangkot sa mga aksidente ay mga motoristang walang helmet, walang lisensya at mga menor de edad.


Kaugnay nito ay makikipag-ugnayan umano ang kanilang pamunuan kay City Mayor Bernard Dy upang pag-usapan ang pagpapatupad sa batas na No Helmet, No Driving Policy dito sa Lungsod ng Cauayan upang mabigyan na rin ng seguridad ang mga motorista.

Facebook Comments