Velasco, magtatagal lang bilang House Speaker sa loob ng isang linggo ayon kay Cayetano

Photo Courtesy: Presidential Communications Operations Office

Kakaunti lamang ang sumusuporta sa Kamara kay Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Ito ang banat ni Incumbent House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang privilege speech.

Ipinaliwanag ni Cayetano na nakabatay sa Konstitusyon na kailangan ni Velasco ng mayorya ng lahat ng miyembro ng Mababang Kapulungan para siya ay mahalal bilang Speaker


“Sabi ko, ‘Mr. President let me explain. Under the Constitution, you need a majority of all members to be elected Speaker. So, I can step aside. But I cannot guarantee he will be elected,’” ani Cayetano.

Dagdag pa ni Cayetano na hindi mananalo si Velasco.

Kung magbibigay daan naman siya sa posisyon ay isang linggo lamang magtatagal si Velasco.

“In fact, I will make a fearless forecast: Hindi siya mananalo. If I step aside, mananalo siya, after one week, maku-kudeta siya. Bakit? Maraming popular sa Kongreso eh,” sabi ni Cayetano.

Sinabi pa ni Cayetano na pinipilit ni Velasco kay Pangulong Duterte na dapat mangyari ang pagpapapalit ng liderato sa October 14.

Pero maging ang mga kaibigan ni Velasco sa Kamara ay duda sa pag-upo niya bilang House Speaker.

Nag-alok si Cayetano ng kanyang pagbibitiw bilang Speaker ng Kamara pero hindi ito pinagbigyan.

Bago ito, nasa 202 mula sa 299 na miyembro ng Mababang Kapulungan ang naghayag ng suporta sa pamamagitan ng manifesto para kay Cayetano na ituloy ang kanyang panunungkulan bilang House Speaker.

Facebook Comments