Vendor, Arestado sa Pagtutulak ng Droga

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang vendor matapos magbenta ng iligal na droga sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa barangay Burgos, Ramon, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ron-ron Quiambao, dalawamput anim na taong gulang, may asawa at residente rin sa nabanggit na lugar.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagsanib pwersa sa pagsasagawa ng drug buybust operation ang mga kasapi ng PDEA, Provincial Drug Enforcement Unit, IPPO at ng PNP Ramon na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek na kabilang sa listahan ng High Value Individual ng pulisya.


Batay sa ulat ng pulisya, habang inaaresto ang suspek ay nagkaroon umano ng komosyon dahil nakipagmatigasan pa umano ang suspek sa mga pulis.

Dahil dito, dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya at doon isinagawa ang imbentaryo kasama ang mga representante ng DOJ, media at mga opisyal ng barangay.

Sa nangyaring transaksyon, nabentahan umano ng suspek ng siyam (9) na heat sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu ang isang nagpanggap na poseur buyer kapalit ng halagang anim na libong piso.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang boodle money na limang libong piso at isang piraso ng isang libong piso.

Facebook Comments