Vendor, Dinakip sa Pag-iingat ng mga Bala at Droga

148

Cauayan City, Isabela- Tuluyang dinakip ng mga alagad ng batas ang isang vendor matapos masamsaman ng mga bala ng baril at mga sachet ng hinihinalang iligal na droga.

Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police Station, nagtungo bandang 6:30 ngayong umaga ang mga kasapi ng pulisya sa Brgy. Sta Catalina ng nasabing bayan upang isilbi ang Search Warrant sa bahay ni Bainor Tireba, 34 taong gulang, may asawa na residente rin ng nasabing barangay.

Nang isilbi ng mga pulis ang search warrant sa suspek ay nakuhanan ito ng mga pinatuyong dahon ng marijuana at nakita rin ng mga pulis sa loob ng bahay ang iba’t-ibang klase ng bala ng baril.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang pitong (7) piraso ng heatsealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalang pinatuyong dahoon ng marijuana.

Dahil dito, agad na inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at disposisyon.

Inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments