Vendor, Huli sa San Mateo, Isabela!

125

San Mateo, Isabela – Nadakip ang isang tindero sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children dakong alas dose ng tanghali, Enero 18, 2019 sa Brgy. 4, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Emerson Agpaoa Bernardo, 29 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga otoridad si Bernardo matapos magpalabas ng warrant of arrest si hukom Ariel M. Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Violation Against Women and Children.

Samantala, agad namang dinala ang akusado sa himpilan ng PNP San Mateo at pansamantala namang makakalaya ito kung makakapaglagak ng piyansang tatlong libong piso (P3,000.00).

Facebook Comments

From Advertisers