Vendor na may Kasong Trafficking in Persons, Natimbog!

*City of Ilagan, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang isang vendor na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito bandang 8:30 kaninang umaga sa Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Arvin Mallari, 29 anyos, binata at residente ng Brgy. Songsong, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto si Mallari sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Isaac R. De Alban ng Second Judicial Region, RTC Branch 16, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Trafficking in Persons.


Dinala na sa CIDG Isabela PFU ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iturn-over sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya si Mallari kung makakapagpiyansa ng halagang P200,000.00.

Facebook Comments