Vendors sa gilid ng PGH sa Padre Faura, lumipat na sa gilid ng kalsada sa harapan ng UP Manila

60

Matapos itaboy ng mga barangay tanod at barangay officials ng barangay 669 Zone 72 ang mga vendors sa labas ng PGH sa Padre Faura, Maynila, ino-okupa na ngayon ng vendors ang gilid ng kalsada sa harapan ng UP Manila sa tabi ng Supreme Court.

Naabutan pa ng DZXL Pulso ng Metro ang mga barangay officials na nagtaboy sa kanila mula sa labas ng PGH at pinanonood na lamang sila habang tuloy ang kanilang paghahanapbuhay sa gilid mismo ng kalsada.


Ang katwiran ng barangay officials ng Barangay 669, hindi na nila maaaring pakialaman ang vendors dahil pagtawid ng kalsada ng Padre Faura ay ibang barangay na ang nakakasakop sa bangketa nito partikular ang Barangay 670.

Gustuhin man daw nilang itaboy ang vendors, wala na silang kapangyarihan dahil bagama’t nasa kahabaan pa ng Padre Faura ang tinawiran ng vendors, ibang barangay na ang nakakasakop dito.

Facebook Comments

From Advertisers