Venezuelan President Nicolas Maduro, ipe-pressure para mapababa sa pwesto

Hindi muna hihingi ng tulong si self-declared interim Venezuelan President Juan Guaido ng tulong ng Amerika para mapababa sa pwesto si President Nicolas Maduro.

Ayon kay Guaido, gusto niyang umalis sa puwesto si Maduro sa pamamagitan ng pag-pressure ng kaniyang mga mamamayan.

Paglilinaw nito, bagama’t hindi niya inaaalis ang option ng tulong ng Amerika, mas maganda kung gumawa muna sila ng paraan para maibalik ang soberanya ng kanilang bansa at para maibalik ang demokrasya.


Si Guaido na lider ng opposition-controlled national assembly ay idineklara ang sarili bilang Pangulo ng Venezuela noong nakaraang linggo.

Facebook Comments