Venue ng inagurasyon ng ika-17 Pangulo ng Pilipinas, depende na sa magiging pasya nito — Malacañang

409

Nasa pagpapasya na ng susunod na pangulo ng Pilipinas kung saan nito nais gawin ang kanyang inagurasyon sa June 30.

Ito ang pahayag ni acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa gitna ng nalalapit na proklamasyon sa nanalong presidente at bise presidente ng bansa.

Ayon kay Andanar, papasok ang inagurasyon sa ikalawang transition habang ang isang klaseng transition ay para naman sa mga departamento.


Matatandaang sa Malacañang nanumpa si Pangulong Rodrigo Duterte habang sa Quirino Grandstand naman isinagawa ang inagurasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, at sa Cebu Provincial Capitol sa Cebu City naman nanumpa noon si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Facebook Comments