Inanunsyo ng Pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na inilipat nila ang lugar ng pagbabakunahan para sa second dose ang AstraZeneca.
Batay sa kanilang abiso, ito ay dahil sa inaasahang pagulan sa mga susunod na araw na dala ng sama ng panahon.
Nakasaad din dito na ito ay para lang doon sa mga residente ng lungsod na tinurukan ng first dose ng AstraZeneca noong Marso 25 at 26 ngayong taon.
Gagawin na ang pagbabakuna sa kanilang 2nd dose gamit ang nasabing brand ng COVID-19 vaccine pinakamalaking mall ng lungsod sa kanilang megatrade hall 1, 2, at 3 5ft floor ng Mega B.
Ito ay gagawin sa Biyernes, June 4 mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Paalala ng lungsod na sa mga magpapabakuna na dalhin ang kanilang vaccination card at valid ID.
Para naman sa hindi makakapunta maaaring makipag-ugnayan sa kanilang Mandavax hotline.