Inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, na inirekomenda na ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang pagbibigay ng 4th dose ng COVID-19 vaccine.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Herbosa na ang pagtuturok ng 2nd booster dose ay inirekomenda ng VEP para sa mga A2 o senior citizens at A3 category o yung immunocompromised individuals.
Sa ngayon ani Herbosa, ipinasa na ang nasabing rekomendasyon sa technical advisory group at all experts upang mapag-aralan.
Hihintayin din aniya kung aaprubahan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa ngayon, rekomendado ang pagkakaroon ng booster shot o 3rd dose sa mga edad 18 taong gulang pataas.
Base sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nasa 10.5-M na ang nakatanggap nang kanilang booster shot.