Vera Files, hinamon ang Palasyo na maglabas ng ebidensya kaugnay sa bagong ouster matrix

Manila, Philippines – Hinamon ng media organization na Vera Files ang Malacañan na maglabas ng ebidensya hinggil sa destabilization efforts laban sa administrasyon.

Matatandaang kabilang ang Vera Files sa matrix na inilabas ng Palasyo na umano’y may planong siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at pabagsakin ang kanyang pamahalaan.

Ayon kay Vera Files President Ellen Tordesillas – mariin niyang itinatanggi ang alegasyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.


Giit pa ni Tordesillas – dapat may kaakibat na ebidensya ang mga isinapublikong diagrams.

Bukod sa Vera Files, kasama rin sa matrix ang Philippine Center for Investigative Journalism, National Union of People’s Lawyers at Rappler.

Facebook Comments