Verbal agreement ng Pilipinas at China kaugnay sa pangingisda ng mga Chinese sa EEZ ng bansa, labag sa konstitusyon

Nanindigan si Senior Associate Justice Antonio Carpio laban sa pagpasok ng Pilipinas sa isang ‘verbal agreement’ sa China na nagpapahintulot sa Chinese fishermen sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sinang-ayunan ng mahistrado ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na walang official policy na nagbibigay sa mga Tsino ng karapatang mangisda at kumuha ng yamang dagat sa EEZ partikular sa Reed o Recto Bank.

Giit ni Carpio – malinaw na paglabag ito sa ating konstitusyon.


Dagdag pa ni Carpio – ang Recto Bank ay sakop ng EEZ ng Pilipinas at base sa saligang batas na ang mga Pilipino lamang ang may eksklusibong karapatang makinabang sa yamang dagat nito.

Ang China aniya ay may mga malalaking fishing fleet sa mundo habang ang mga Pilipino ay may mga bangka lamang.

May kakayahan ang China na mabilis ubusin ang mga isda sa Reed Bank.

Matatandaang sinabi ni Secretary Locsin na hindi pwedeng ipatupad ang verbal agreement sa pagitan nina Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments