Verbal agreement ng Pilipinas at China sa EEZ ng bansa, hindi pwedeng ipatupad

Wala pang natatanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) na anumang kautusan kaugnay sa verbal agreement sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Ito ay kaugnay sa pagpayag sa mga Chinese na makapangisda sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Kaya sinabi ni PCG Commandant Admiral Elson Hermogino – na paaalisin pa rin nila ang anumang dayuhang barko kabilang ang sa China na pumapasok sa EEZ ng bansa.


Pero iniiwasan din nila na magkaroon ng tensyon sa pinagtatalunang karagatan.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na legally binding ang verbal agreement ng dalawang lider.

Pero sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na hindi maaaring ipatupad ang isang verbal agreement dahil literal na isa itong ‘verbal.’

Giit ni Locsin, kailangang mayroong dokumento para mapatunayang mayroong kasunduan.

Facebook Comments