Verbal agreement ni Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping hindi pa enforceable ayon sa Malacañang

Nilinaw ngayon ng Palasyo ng Malacanang na ang sinasabing verbal agreement sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping kaugnay sa pangingisda sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ay isang kasunduan na patungo sa paglalim pa na paguusap para maka buo ng legal na kasunduan.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang verbal agreement ng dalawang panig ay hindi pa enforceable hanggang hindi ito naisasapormal o naiwuwulat sa isang legal na documento.

Sinabi ni Nograles na ang sinabi ni Panglog Duterte na verbal agreement niya kay Chinese president Xi Jinping ay ang gusto nitong mangyari o maipatupad sa hinaharap ng Pilipinas at ng China.


Kaya naman dapat magkaroon ng mga paguusap o bilateral talks ang dalawang panig para maisakatuparan ang verbal agreement at malaman na kung paano ito tuluyang maipatutupad.

Sa ngayon aniya ay status quo ang sitwasyon at patuloy na ipatutupad ng Pilipinas ang mga umiiral na batas patungkol sa Exclusive Economic Zone at fisheries code of the Philippines.

Facebook Comments