Verbal fishing agreement ng China at Pilipinas, hindi na kailangang dumaan sa Senado

Iginiit ni Senator Francis Tolentino na hindi kailangang dumaan sa Senado ang verbal fishing agreement sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping.

Sa kanyang privilege speech, ipinagtanggol ni Tolentino ang Pangulo.

Aniya, nasa kapangyarihan ng Pangulo na magkaroon ng verbal agreement sa Chinese leader at hindi na ito kailangang aprubahan ng Senado.


Tanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon – paano nasabi ni Tolentino na hindi na kailangang suriin ng Senado ang kasunduan gayung hindi naman alam ang nilalaman nito.

Bukas naman si Senator Koko Pimentel na chairperson ng Committee on Foreign Relations na magsagawa ng pagdinig para maliwanagan ang Senado sa detalye ng kasunduan.

Dati nang sinabi ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat suriin ng Senado ang kasunduan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Xi.

Facebook Comments