Verbal fishing agreement sa China, paglabag sa konstitusyon

Labag sa saligang batas ang verbal fishing agreement sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Sa joint statement nina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Ombudsman Conchita Carpio-Morales, walang anumang kasunduan ang mas higit pa sa nakasaad sa ating konstitusyon na ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ay para lamang sa mga Pilipino.

Kung ang pagpayag ng Pangulo sa China na makapangisda sa EEZ ay bunga ng pananakot katulad ng pagkakaroon ng giyera.


Paglabag ito sa Vienna Convention on the Law of Treaties na maituturing na walang bisa ang kasunduan.

Umaasa sina Carpio at Del Rosario na matigil na ang panlalamang ng China at unahin ng ating gobyerno ang kapakanan ng mga Pilipino.

Facebook Comments