Verification ng PNP-HPG sa luxury cars ng Pamilya Discaya, natapos na

Natapos na ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang beripikasyon at pagsusuri sa ilang mamahaling sasakyan na pag-aari ng pamilya Discaya.

Ayon kay PNP-HPG Spokesperson Lt. Nadame Malang, walo sa 12 luxury cars ang kanilang sinilip at sinuri.

Lumabas sa resulta na kumpleto ang mga ito sa papeles gaya ng plate number, MV file number, at pangalan ng rehistradong may-ari.

Dagdag pa ni Malang, wala silang nakita ni anumang iregularidad o dahilan para kumpiskahin ang mga naturang sasakyan.

Naisumite na ng HPG ang lahat ng impormasyon sa Bureau of Customs (BOC) na siyang pangunahing may hawak ng imbestigasyon.

Gayunpaman, bukas ang HPG na tumulong kung may karagdagang utos ang BOC kaugnay ng mga naturang luxury cars.

Facebook Comments