VERY GOOD | Pagbaba ng trust ratings ni Pangulong Duterte, hindi ikinabahala ng Malacañang

Manila, Philippines – Welcome pa rin sa palasyo ng Malacañang ang resulta ng survey ng Special Weather Station o SWS, kung saan bumaba ang net trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nananatili pa ring mataas ang +65 net trust rating, dahil nasa kategorya pa rin ito ng very good.

Ibinida pa ni Roque, na napanatili pa rin ng pangulo ang magandang ratings nito sa Visayas at Mindano na excellent at very good ang nakuha ng pangulo sa balance ng Metro Manila at Luzon.


Nagpasalamat din naman si Roque sa publiko, dahil sa patuloy na pagtitiwala kay pangulong Duterte sa kabila ng patuloy na mga pagbanat ng kaniyang mga kritiko.

Facebook Comments