‘VERY GOOD’ | Pangulong Duterte, napanatili ang mataas na satisfaction rating

Manila, Philippines – Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na satisfaction rating sa huling kwarter ng taong 2017.

Sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS), 71% ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ng Pangulo, 13% naman ang unsatisfied habang 15% ang undecided.

Mas mataas apat na porsyento ang grado ng Pangulo kumpara noong 2016.


Ayon sa SWS, ‘very good’ ang satisfaction score ng Pangulo mula sa lahat ng socioeconomic classes.

Mataas ang nakuhang grado ng Pangulo sa Mindanao na may 84%, nakakuha naman siya ng 73% sa Metro Manila, 72% sa Visayas habang 64% sa Luzon.
Isinagawa ang survey mula December 8 hanggang 16 sa 1,200 respondents.

Facebook Comments