Manila, Philippines – Muling tumaas ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa bagong Survey ng Social Weather Stations, nasa +58% ang nakuhang grado ng pangulong ngayong buwan kumpara sa +48% nitong Setyembre.
Katumbas nito ang ‘very good’ rating para sa pangulo.
71% ng mga Pilipino ang nagsasabing ‘satisfied’ sila sa trabaho ng pangulo.
Kasabay nito, 62% o anim sa bawat sampung Pilipino naman ang nagsabing tutol sila sa martial law extension sa Mindanao.
66% ang nagsabing kayang labanan ng militar ang Abu Sayaff at Maute Group kahit walang batas militar.
Nagpasalamat naman ang Malacañang sa pagtaas ng rating ng pangulo habang naiintindihan nila ang sentimyento ng publiko sa batas militar pero iginiit na idineklara ito kontra terorismo.