Manila, Philippines – “Very humble”, ito ang say ng batikang aktres na ngayong ay Kapuso na si Cony Reyes, tungkol kay Pambansang Bae Alden Richards.
Ayon kay Reyes, kahit sandali pa lamang niya nakakatrabaho si Alden, magaan na agad ang loob nito kay Alden.
Sa kabila kasi aniya ng narating nito, ay nananatili itong may respeto.
Sa katunayan, isa raw si Alden sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang proyektong “Victor Magtanggol”, kung saan gaganap siya bilang ina ni Alden sa bagong Kapuso show.
Facebook Comments