‘Very low risk’ COVID-19 classification sa NCR, posible sa Marso – OCTA

Nakikita ng OCTA Research Group na posibleng bumaba sa “very low risk” ang klasipikasyon ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa buwan ng Marso.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, sa katapusan ng Pebrero ay posibleng bumaba sa 200 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR mula sa kasalukuyang 600 average cases kada araw.

Maidideklara lamang na nasa “very low risk” na sa banta ng COVID-19 ang isang lugar kung nasa 140 na lamang ang average cases kada araw.


Sa ngayon ay nasa 28.6% na lang ang hospitalization rate sa Metro Manila habang bumaba naman sa 30.8% ang ICU utilization rate.

Facebook Comments