Nakatakdang i-update ang product label ng AstraZeneca vaccine.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, isasama sa impormasyon ang “very rare” na posibilidad na pagkakaroon ng pamumuo ng dugo o blood clot sa mga mababakunahan gamit ang AstraZeneca vaccine laban sa COVID-19.
Ang FDA ay nagkaroon ng pulong sa AstraZeneca at ilalagay sa label ang very rare adverse event ng blood clotting na may kinalaman sa thrombocytopenia o mababang platelet count.
Ang European Medicines Agency ay nagsabi na may koneksyon ang blood clotting sa mababang bilang ng platelets sa mga pasyenteng nabigyan ng AstraZeneca vaccine.
Humingi na ang FDA ng opinyon hinggil dito sa Vaccine Experts Panel at sa World Health Organization (WHO).
Pero iginiit ni Domingo na ang kaso ng blood clots sa mga nabakunahan ng AstraZeneca sa Europe ay “very unusual” o “very uncommon.”
Nabatid sinuspinde ng FDA ang paggamit ng AstraZeneca sa mga may edad 60-years old pababa.