VERY SATISFACTORY | PRRD, ‘satisfied’ sa pagtugon ng gobyerno sa TY Ompong

Manila, Philippines – ‘Very satisfactory’

Ito ang ibinigay na marka ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon ng gobyerno sa typhoon Ompong.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, satisfied ang Pangulo sa disaster response ng iba’t-ibang ahensya.


Pinuri rin ang ‘zero casualty’ na naitala sa Region 2.

Umaasa si Roque na hindi ito magbabago sa susunod na briefing.

Sa kabila nito, ikinalulungkot pa rin ng palasyo na mayroon pa ring naitalang nasawi dahil sa bagyo sa ilang lugar sa bansa.

Facebook Comments