Veteran action director na si Toto Natividad, pumanaw na sa edad na 63

Pumanaw na ang beteranong action director na si Toto Natividad o Federico Natividad Jr. sa totoong buhay.

Sa edad na 63, binawian ng buhay kahapon ng umaga dahil sa komplikasyon sa COVID-19 ang batikang direktor ng longest-running drama series sa telebisyong Pilipino na “FPJ’s: Ang Probinsyano”.

Agad namang nagpaabot ng pakikiramay ang mga nakatrabaho ni Direk Toto sa showbiz industry maging ang mga nakasama niya sa politika.


Nakilala si Direk toto sa mga iba’t ibang action films niya noong dekada ’90 na pinagbidahan nina Eddie Garcia, Rudy Fernandez, Cesar Montano, Edu Manzano, Victor Neri at Ian Veneracion.

Isa rin si Natividad sa 11 founders ng Directors Guild of the Philippines (DGPI).

Facebook Comments