Veteran broadcast journalist, dumulog sa Presidential Task Force on Media Security matapos makatanggap ng banta sa buhay

Nakipag-ugnayan ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Manila Police District (MPD) hinggil sa banta sa buhay na natanggap ng radio broadcaster na si David Oro.

Hiniling ni PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez kay MPD District Director PBGen Andre Dizon na imbestigahan ang pagbabanta sa buhay ni Oro.

Apela ni Gutierrez kay Gen. Dizon na magsagawa ng threat assessment sa kalagayan ni Oro at bigyan ng seguridad ang broadcaster.


Sa kanyang panig, inihayag ni Oro na napilitan na siyang lumapit sa PTFoMS matapos na muling makatanggap ng bala ng baril mula sa hindi kilalang indibiduwal.

Dalawang linggo na rin ang nakararaan nang una siyang makatanggap ng dalawang bala pero binalewala muna niya ito.

Inihayag naman ng PTFoMs na bagamat maaga pa upang mag-speculate sa motibo ng insidente at resulta ng imbestigasyon ng MPD, muling iginiit ni Gutierrez na seryoso ang task force sa nabanggit na banta.

Facebook Comments