Veteran sports journalist Chino Trinidad, pumanaw na sa edad 56

Pumanaw na ang veteran sports journalist na si Chino Trinidad sa edad na 56.

Atake sa puso ang sanhi ng pagkasawi ni Trinidad na patungo sana noon sa meeting sa Newport World Resorts kasama ng Billiards legend na si Efren “Bata” Reyes at iba pang personalidad.

Nagawa pang isugod si Trinidad sa San Juan de Dios Hospital pero kalaunan ay binawian din ng buhay.


Nakilala si Trinidad dahil sa pagmamahal sa larangan ng sports at pagbabahagi sa tagumpay ng mga Pilipino.

Wala pang inilalabas na detalye kaugnay sa magiging burol ng beteranong sports analyst.

Facebook Comments