Veterans bloc ng Senado, nadagdagan pa ng miyembro

Nadagdagan ang veterans bloc na grupo sa Senado na sumusuporta kay Senator Vicente Sotto III na maging Senate President ng 20th Congress.

Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, kabilang na sa kanilang grupo si Senator Lito Lapid kaya panglima ito sa kanilang bloc.

Ang mga kasalukuyang myembro ng veterans bloc ay sina Senators Sotto, Zubiri, Lapid, Panfilo Lacson at Loren Legarda.

Gayunman, sinabi ni Zubiri na hindi kailangang sumama ni Lapid kung magpasya ang kanilang grupo na maging Minority at kung gustuhin ni Lapid na maging Majority.

Sakaling mag-Minority, handa sila Zubiri na i-adopt si Senator Risa Hontiveros sa gitna na rin ng mga ulat na ang mga kaalyadong sina Senators Bam Aquino at Kiko Pangilinan ay nangako na ng suporta kay Senate President Chiz Escudero.

Facebook Comments