VETO | 2018 GAA at TRAIN, hindi dapat maapektuhan ng mga probisyon na na-veto ng Pangulo

Manila, Philippines – Hindi umano dapat maapektuhan ng ginawang pag-veto ng Pangulo ang ilang bahagi ng probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN at sa 2018 General Appropriations Act.

Ito ay matapos maisumite kahapon sa Mababang Kapulungan ang kopya ng veto message ng Pangulo noong nakaraang Linggo sa Pambansang Budget at sa Tax Reform Program.

Paliwanag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, intact at hindi maaapektuhan ang ilang mga items ng budget at ng TRAIN mula sa ilang na-veto na probisyon ng Pangulo.


Hindi naman maaaring i-restore ng Pangulo ang ilang appropriations na tinanggal tulad sa mga kongresistang inalisan ng infrastructure funds sa susunod na taon.

Kabilang naman sa mga na-veto ng Presidente ay ang special tax rate na 15% sa gross income ng mga empleyado mula sa regional headquarters, regional operating headquarters, offshore banking units at petroleum service contractors and subcontractors.

Dagdag din sa mga na-veto ang tax exemption sa mga self-employed at mga professionals na may annual gross sales na hindi hihigit sa P500,000 gayundin ang ilang probisyon sa tobacco excise tax at petroleum products.

Facebook Comments