Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista, aminadong takot magka-anak

Aminado ang actor-host na si Vhong Navarro at kanyang asawa na si Tanya Bautista na takot na silang magkaroon ng anak.

Paliwanag ng aktor, iniisip ng kanyang asawa na masyado ng late para sila pa ay magka-anak dahil hindi na rin sila bata.

Masyado na raw magiging malaki ang agwat ng kanilang edad, hindi tulad ng kanyang dalawang anak na nasa hustong gulang na.


Say pa ni Vhong, pinapairal din nilang mag-asawa ang practicality at ang magiging future ng kanilang anak.

Sa ngayon, focus na lamang silang mag-asawa sa kanilang career.

Facebook Comments