Vhong Navarro, hindi pa tuluyang nakaka-move on sa kinaharap na rape allegations

Manila, Philippines – Masaya si Vhong Navarro matapos na ma-dismiss lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014.

Pero kung ang manager ni Vhong na si Direk Chito Roño ang tatanungin, tingin daw niya ay hindi pa lubos na nakaka-move on ang actor/ host sa kanyang mga pinagdaanan.

Hanggang ngayon kasi aniya, takot pa ring lumabas si Vhong dahil may mga naririnig pa silang mga pagbabanta.


Nagpasalamat na lang din si Direk Chito na nangibabaw ang hustisya para kay Vhong.

Sa ngayon, hindi pa tapos ang kasong isinampa naman ng aktor laban sa mga nambugbog sa kanya kabilang ang negosyanteng si Cedric Lee.

Facebook Comments