Vice Ganda, aamin na nga ba sa totoong estado nila ni Ion Perez?

Image from ABS-CBN

Usap-usapan ngayon sa social media ang makahulugang caption ni Vice Ganda sa litrato nila ni Ion Perez na kaniyang ipinost sa Instagram account.

“Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME.”

Nakuhanan ang larawan sa ginanap na 2019 All Star Game kung saan miyembro ng koponang “It’s Showtime” sina Vice at Ion.

Kamakailan, naging viral din sa internet ang matatamis na mensaheng alay nila sa isa’t-isa at tattoong ipinalagay ni Ion sa binti niya.

Pina-tattoo umano ni Ion ang kaarawan ng kilalang komedyante at TV host.

Sa mga nagdaang panayam, palaging sinasabi ni Vice sa mga mamamahayag na magkaibigan lamang sila ni Kuya Escort.

Facebook Comments