Vice Ganda at Ion Perez, ikinasal na raw?

How true ang chika na ikinasal na raw sina Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda at Ion Perez?

Ito’y matapos magcomment si Ion na may salitang “asawa ko” sa ipinost ni Vice na larawan nila sa Instagram nito.

Dahil dyan, maraming netizen ang napaisip na nagpakasal na raw ang dalawa.


Pero ayon sa ilang fan nila, posibleng sa Oktubre pa ngayong taon ang pagpapakasal ng dalawa pagpunta nila sa Amerika.

Matatandaan, ilang araw na rin trending ang dalawa sa Twitter dahil sa mga litrato nila na may suot si Vice na gown at white coat at tie naman ang suot ni Ion.

Facebook Comments