Vice Ganda at ‘Kuya Escort’, mag-on na?

Kumakalat ngayon sa social media ang balitang pag-amin nina Vice Ganda at ni Ion Perez o mas kilalang ‘Kuya Escort’ sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nangyari raw ang pag-amin nina Vice at Ion sa taping ng weekly late-night program ni Vice na Gandang Gabi Vice (GGV) noong March 12.

Naging saksi raw sina Charo Santos at Bea Alonzo sa pag-amin ng dalawa nang mag-guests ang mga ito sa GGV.


Batay sa ilang netizens na nag-post ng mga larawan ng dalawa, sinabi ni Ion na nahihirapan na siya sa mga nagtatanong sa kanya tungkol sa real score nila ng TV host-comedian.

Nagsimula raw ang pagkakamabutihan nina Vice at Ion sa kanilang daily noontime show.

Facebook Comments