Vice Ganda at UST Volleyball Player nagpalitan ng nakakakilig na mensahe sa Twitter

Kinilig ang mga netizens sa batuhan ng tweets ng komedyanteng si Vice Ganda at ng University of Sto. Tomas Men’s Volleyball team player na si Manuel Andrei Medina nitong Martes ng madaling araw, April 24.

Sinimulan ng volleyball player sa: “Hello ganda” na agad namang sinagot ni Vice ng: “Hello pogi.” Tumagal ng isang oras ang palitan ng dalawa na nauwi sa hugot lines. Tinanong ng komedyante kung gusto ba ng player ng seryosohan. Hinamon naman ng UST spiker ang host kung kaya ba nito. “Kung sino mahulog talo” dagdag ni Vice. Sinagot naman ito ni Andrei ng tanong na okay lang ba kung siya ang sasalo kung mahulog ang komedyante.

Sinundan pa ni Vice ang palitan sa pamamagitan ng pagtweet na naghahanap siya ng taong hindi siya paglalaruan na parang bola, kundi yung yayakapin siyang parang tropeo. Muli na namang nagpakilig si Andrei sa sagot na hindi siya marunong maglaro at nagpost ng larawan niyang may hawak na medal at trophy, “Ikaw ba tong hawak ko?” tanong niya kay Vice.


Nilinaw naman ng atleta na nagbibiruan lamang sila ng komedyante sa isang netizen. Natapos ang palitan nang magtweet si Vice na inaantok na siya at kinabukasan ng ika-4 ng hapon na lang ituloy ang naudlot nilang usapan. Sumunod naman si Andrei, “Game?” tanong niya. “Anong laro?” sagot ni Vice. Sa mga sandaling ito, hindi pa sumasagot ang volleyball player.

Facebook Comments