Vice Ganda, Ethel Booba at iba pang mga komedyante, nagtulungan para makalikom ng pondo para sa mga stand-up comedians na apektado ng ECQ

Bumuhos ang suporta ng mga komedyante sa Punchline at Laffline para makalikom ng pondo bilang tulong para sa mga stand-up comedians na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pinangunahan ni Phenomenal and Unkabogable Star Vice Ganda kasama sina Ethel Booba, Negi, MC Muah, Lassy, Pooh, Donita Nose, Anton Diva at iba pang mga komedyante kung saan, bumuo sila ng on-line benefit show na “We Laugh as One”.

Ayon sa mga komedyante, ramdam nila ang naging epekto sa kanilang kabuhayan dahil sa ipinatupad na lockdown sa buong Luzon.


Mapapanood ang “We Laugh as One” sa Facebook page ng Punchline at Laffline bukas, April 26, 2020, na may layuning makapaghatid ng ngiti sa kabila ng nararanasang krisis sa COVID-19.

Ang kikitain ng isasagawang on-line benefit show ay ipamamahagi sa mga komedyanteng kapos sa pagbili ng kanilang mga pagkain at pangangailangan bunsod ng COVID-19.

 

Facebook Comments