Inendorso ng sikat na TV host na si Vice Ganda ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa ginawang grand rally noong Linggo sa Pasay na dinaluhan ng mahigit 400,000 katao.
Marami ang nasorpresa nang dumalo si Vice Ganda at nagdeklara ng suporta kay Robredo, na nagdiwang ng kaarawan noong Linggo.
Sa kaniyang speech, sinabi ni Vice Ganda na panalo ang pamilyang Pilipino kapag nanalo si Robredo sa darating na halalan sa Mayo.
Maliban kay Vice Ganda, nagpahayag din ng suporta kay Robredo ang mga young star na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano at ang beteranang aktres na si Maricel Soriano.
Sa unang pagkakataon, dumalo sa grand rally ni Robredo sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Janno Gibbs, John Arcilla, Andrea Brillantes at Bianca Gonzalez.
Nakatuon ang platapormang “Oplan Angat Agad” ni Robredo sa paglikha ng trabaho, pagpapaganda ng sistema ng kalusugan at pagpapataas ng kalidad ng edukasyon.