Vice Ganda, may ‘hirit’ patungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN

Sa isang segment ng “It’s Showtime”, nagbiro si Vice Ganda tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN na hindi pa nalalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabanggit ng isang contestant ang anti-fencing law kaya naungkat ang tungkol sa franchise renewal.

Pending pa rin hanggang ngayon ang House Bill No. 4349 simula noong Nobyembre 2016 ngunit bubuksan muli ito sa darating na pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22.


“Ignorance of the law excuses no one,” pahayag ni Vice kaya’t humirit si Jhong Hilario, co-host ng segment, na bakit hindi na lamang siya tumakbo sa opisina.

Ayon kay Vice sinabi raw sa kaniya ni Duterte na, “Pagkatapos ko, ikaw magiging presidente. Ako bahala.”

Nang tanungin kung presidente ba ang tinutukoy nito, “Siyempre ‘no, di nga tayo alam kung mari-renew, so magpi-Presidente agad para may work ako. Charot lang.”

Ang franchise renewal ng ABS-CBN ay mawawalan ng bisa sa Marso 2020. Kailangang mapirmahan ang bill na naglalayong makapag-franchise pa ang network ng 25 na taon.

Ayon kay Duterte, sinadyang hindi iere ang kaniyang ad noong 2016 ngunit inere naman ang ad ng oposisyon na si Antonio Trillanes IV.

Facebook Comments