Vice Ganda sa mga tagahanga ng CEO ng ABS-CBN: ‘May asawa na po si sir Carlo Katigbak’

6232
Vice Ganda (left), ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak (right). Photos from IG/@praybeytbenjamin, Facebook/Sen. Grace Poe

Pabirong nilinaw ni Vice Ganda sa netizens ang relationship status ni ABS-CBN president at chief executive officer (CEO) Carlo Katigbak.

Umani ng mga tagahanga ang presidente ng network matapos manatiling kalmado sa Senate hearing hinggil sa kanilang franchise renewal noong Pebrero 24.


Nag-trending din ang CEO sa Twitter kasabay ng hashtag na #ABSCBNFranchiseRenewal.

Pinasalamatan ng host-comedian sa kanyang Twitter account ang mga sumuporta at saka gumawa ng biro sa naging reaksyon ng netizens sa kanilang boss.

“Maraming salamat po sa suporta at pagmamahal nyo mga Kapamilya!. Di po namin gustong saktan ang mga puso nyo pero OPO MAY ASAWA NA PO SI SIR CARLO KATIGBAK!” sabi ni Vice.

“Choz!” pahabol niya.

Inulan naman ang naturang tweet ng mga “dismayadong” komento galing sa mga nakisakay na netizen.

Sa nasabing hearing, nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa Mayo 4 at hindi sa Marso 30.

Facebook Comments