VICE GOV. BOJIE DY AT MAYOR KIKO DY, NAGHAIN NG KANILANG KANDIDATURA

CAUAYAN CITY – Naghain ng kandidatura nitong martes, ika-08 ng Oktubre si Isabela Vice Gov. Faustino “Bojie” Dy III bilang Congressman ng 6th District ng lalawigan.

Nagpakita naman ng suporta si Gov. Rodito Albano sa pamamagitan ng pagsama kay Vice Gov. Bojie Dy sa Echague para maghain ng kandidatura kasama pa ang ibang kasapi ng pamilyang Dy.

Si Mayor Kiko Dy naman ay kakandidato bilang Vice Governor ng lalawigan ng Isabela upang ipagpatuloy umano ang mga proyekto at programa ng kanyang ama.


Siniguro rin ni Mayor Kiko Dy ang buong pusong pagsuporta kay Gov. Albano at sa mga programang nais ipatupad nito para sa ikabubuti at ikagaganda ng lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments