Vice Gov. ‘Bojie’ Dy, Itinalagang OIC Governor ng Isabela!

1616

Cauayan City, Isabela- Itinalaga muna bilang Officer in Charge o OIC si Vice Gov.Faustino “Bojie” Dy III ng Lalawigan ng Isabela habang wala pa sa bansa si Gov.Rodito Albano III.

Nagsimulang italaga kahapon, Oktubre 7, 2019 bilang OIC ang bise Gobernador at magtatapos sa Oktubre 12, 2019.


Si Gov.Rodito Albano III ay nagtungo sa bansang Japan upang daluhan ang isang mahalagang aktibidad na Agricultural Equipment Trade Fair na malaking tulong para sa mga magsasaka.

Habang nasa ibang bansa si Gov.Albano ay si Vice Gov Bojie Dy muna ang mama mahala sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Ang lahat ng transaksyon ng pamahalaan panlalawigan ay kailangan munang dumaan sa tanggapan ni Vice Gov.Dy na pansamantalang hahalili sa tungkulin ng Gobernador.

Facebook Comments

From Advertisers