Vice Gov. ‘Bojie’ Dy, May Pakiusap sa mga I-RISE Beneficiaries

30

Cauayan City, Isabela- Nagbigay ng mensahe si Isabela Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III sa mga benepisyaryo ng I-RISE na tumanggap sa bayan ng San Mateo sa probinsya.

Sa ginawang pamamahagi ng I-RISE assistance na pinangunahan ni Governor Rodito Albano kasama sina Congressman Allan U. Ty of LPGMA Partylist, Mayor Greogorio A. Pua at mga lokal na opisyal ay nakiusap ang bise Gobernador sa mga nabigyan ng ayuda na gamitin ito sa tama upang makamit ang layunin ng programa na maiangat ang pamumuhay ng bawat maliliit na nagnenegosyo.


Ayon naman kay Gob. Albano, kanyang sinabi na ang provincial government ng Isabela ay nakahanda para tumugon sa paghamon ng pandemya kaya’t umiikot aniya sila upang maipaabot at maiparamdam sa mga Isabelino ang tulong lalo na sa panahon ng pandemya.

Kaugnay nito, inihayag din ng Gobernador na mamahagi rin ng NegoCart ang DOLE para sa mga padyak o ambulant vendors kaya’t hinikayat rin ng ama ng lalawigan na pakinabangan ang nasabing tulong.

Facebook Comments