Cauayan City, Isabela- ‘Unopposed’ o walang kalaban sa pagka-bise gobernador ng Isabela si incumbent Faustino ‘Bojie’ Dy III matapos ang maghain ng kanyang kandidatura para sa ikalawang termino sa halalan 2022.
Dalawa naman ang makakalaban ni incumbent Governor Rodito Albano III matapos maghain ng kanilang kandidatura sina independent candidate Glorieta Almazan at Romeo Carlos ng Phil. Green Republican Party.
Posible namang mahati ang boto nina 1st District incumbent Sangguniang Panlalawigan Member Delfinito Emmanuel “MM” Albano at Emmanuel Joselito Añes o mas kilala sa John Añes dahil makakalaban nito sina Marcelo Artisuela Jr., Celso Balayan.
Magkatunggali naman nila 2nd district SP member incumbent Edgar Capuchino at Ed Christian Go sina Manny Pua at Romarico Ramirez.
Hindi naman magpapahuli ang dalawang kandidato matapos maghain ng COC sa pagka-board member ng ikatlong distrito na sina Vic Siquian at Linda Villa na inaasahang magkatunggali naman ni incumbent Ramon “RJ ”Reyes habang hahalili naman si Grace Areola na asawa ni incumbent Atty. Randolph Joseph Areola.
Lalaban naman sa mataas na posisyon bilang board member ng 4th district si incumbent Councilor Vinchy Aggabao ng Santiago City na makakalaban ni incumbent board member Clifford Raspado gayundin ay magkatunggali rin sina Lito Salatan, Amado Vallejo Jr., at Victor Dy.
Makakalaban naman nina 5th District incumbent board member Faustino Dy IV at Edward Isidro si Renen Ramones Paraguison.
Samantala, nagbabalik pulitika naman ang dating Mayor ng San Isidro na si Abe Lim matapos maghain ng kanyang kandidatura sa pagiging board member ng 6th district kung saan makakalaban nito si incumbent Echague Vice mayor Amador Gaffud, Atty. Alviar Macutay, Atty. Ralph Maloloyon na matinik na makakalaban ni incumbent board member Arco Meris.
Ilan sa mga kumandidatong pulitiko ay matagal na sa serbisyo habang bagito naman ang ilan na susubukan ang mundo ng pulitika.