Cauayan City,Isabela- Kinumpirma ni Vice Governor Jose “Tam-an” Tomas Sr. ng Nueva Vizcaya ang kanyang pagkandidato bilang Gobernador sa halalan 2022.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Vice Governor Tomas Sr., isang dahilan umano ng kanyang pagtakbo ang ginagawang ‘pattern of discrimination’ laban sa kanya ng mga kalaban sa pulitika dahil maging sa mga ‘communication letter’ ay hindi pinalampas ng mga ito.
Kwento ng bise gobernador, ang mga communication letter na sana’y naka-address sa kanya ay hindi nito natatanggap hindi tulad ng dati na direkta umanong natatanggap ng kanyang opisina.
Isa lamang aniya itong maituturing na taktika ng kasalukuyang administrasyon sa lalawigan para iparamdam ang kawalang papel nito bilang bise-gobernador.
Samantala, binigyang diin rin ng bise gobernador ang pagtanggal umano ng pondo ng mga casual employee sa kanyang opisina at inilipat umano sa tanggapan ng Gobernador.