Hindi natitinag si Vice Mayor Elect Maximo Millan sa natanggap nitong pananakot matapos nakatanggap ng dalawang bala ng Baril na ibinalot sa kaniyang tarheta noong araw ng Sabado.
Ayon Kay Millan, natagpuan Umano ng kasamahan nilang babae ang dalawang bala ng M16 rifle sa labas ng bahay na nakabalot sa kaniyang tarheta noong tumakbo ito sa pagka bise alkalde.
Aniya, kahit pa may ganitong insidente, hindi umano siya nagpadagdag ng Police escort. Ito umano ang unang pagkakataon na nakatanggap ito ng pananakot sa tagal nito sa pulitika.
Wala rin umano itong naaalalang may nakaalitan o nakalaban sa kahit saan man o sa kanilang bayan. Ngayon, patuloy itong nakikipag ugnayan sa pulisya upang matukoy ang nasa likod ng pananakot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









