Vice Mayor ng Bansud, Oriental Mindoro na nasangkot sa sinasabing pagtago ng isa sa mga akusado sa flood control project, lumantad na sa NBI

Humarap na sa NBI-Technical Intelligence Division si Bansud, Oriental Vice Mayor Alma Mirano para magbigay-linaw.

May kaugnayan ito sa sinasabing pagmamay-ari ni Mirano ng bahay sa Quezon City kung saan pinaghihinalaang nagtago si DPWH MIMAROPA Engr. Dennis Abagon bago maaresto ng NBI.

Sa kanyang pagharap sa media, nanindigan si Mirano na nangungupahan lamang sa kanya si Abagon.

Tumanggi naman ang bise alkalde na panindigan ang kanyang naunang pahayag na siya mismo ang nag-tip sa mga awtoridad ng lokasyon ni Abagon.

Noong Biyernes, December 5, nabigo si Mirano na humarap sa NBI dahil maysakit daw ito.

Facebook Comments