
Nabigong humarap sa National Bureau of Investigation (NBI)-Technical Intelligence Division si Bansud, Oriental Mindoro Vice Mayor Alma Mirano para magbigay ng testimonya.
May kaugnayan ito sa sinasabing pagmamay-ari ni Mirano ng bahay sa Quezon City kung saan pinaghihinalaang nagtago si Department of Public Works and Highways (DPWH) MIMAROPA Engr. Dennis Abagon bago maaresto ng NBI.
Sa halip, ang kanyang abogado na si Atty. James Licayu ang humarap sa NBI.
Sinasabing may ubo si Mirano kaya hindi ito nakarating sa NBI.
Bunga nito, ni-reset na lamang ng NBI ang pagdinig.
Tiniyak naman ni Atty. Licayu na haharap sa NBI ang kanyang kliyente sa susunod na linggo at handa itong magbigay-linaw sa alegasyon.
Kinumpirma rin ni Atty. Licayu na nasa Metro Manila lamang ang bise alkalde.
Kasama rin sa mga dumating sa NBI ang ilang mga kabigian ng bise alkalde.
Una nang pinadalhan ng NBI ng subpoena si Mirano dahil sa reklamong Obstruction of Justice.
Matatandaang itinanggi rin ni Mirano ang akusasyon at nagrerenta lamang daw sa kanya si Abagon at hindi niya ito itinago.










