Vice Mayor ng Cauayan City Isabela, Pinarangalan!

Cauayan City, Isabela – Pinarangalan bilang isa sa Most Outstanding Legislator ang bise mayor ng lungsod ng Cauayan ngayong taong 2018.

Dahil dito ay labis ang pasasalamat ni Vice Mayor Leoncio “Bong” Dalin sa lahat ng taumbayan sa Cauayan City sa kanyang walang tigil na suporta.

Pinasalamatan din ni Vice Mayor Dalin ang mga kasamahan nito sa konseho dahil sa kanilang tulong at suporta sa lahat ng kanilang mga programa at proyekto.


Sa buong lalawigan ng Isabela ay tanging si Vice Mayor Dalin ang mapalad na nabigyan ng parangal habang isa rin sa bayan ng Ballesteros maging sa Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan.

Samantala naniniwala ang bise mayor na ang magandanag samahan umano ang isang sikreto ng tagumpay at kung bakit niya natanggap ang kanyang parangal.

Facebook Comments