Vice Mayor ng Marikina City, naturukan na rin ng bakuna laban sa COVID-19

Tumanggap na rin ng AstraZeneca vaccine ang Bise Alkalde ng Marikina City dahil sa pagiging doktor nito.

Ang pagtuturok kay Vice Mayor Marion Andres ay isinagawa sa Marikina City Sports Complex kung saan ang medical officer ng lungsod ang nangangasiwa sa kanyang pagbabakuna.

Agad naman itong ipinagtanggol ni Mayor Marcy Teodoro at sinabing kasama ang kanyang Bise Alkalde sa mga dapat tumanggap ng bakuna.


Bukod kasi sa pagiging Vice Mayor, nagpa-practice rin umano bilang medical worker si Andres.

Ito rin umano ang pinuno ng City Task Force on COVID-19 at isa sa mga nangungunang frontliners sa Marikina City.

May valid Professional Regulation Commission license din umano ang opisyal at valid pa ito hanggang ngayon.

Dagdag pa ni Teodoro, pinapayagan naman ng Local Government Code ang mga local legislators na mag-practice ng kanilang propesyon habang ginagampanan ang pagiging lingkod bayan ng isang lokalidad.

Facebook Comments